sana
October 30, 2011
sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;
sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo
malayo na ang bituin na gusto mong abutin,
abot tanaw na lamang ang makakamit sa pangarap;
maaaring alam ko ang tunay na nasa puso mo,
pero paano ito magkakatotoo kung nakakapit ka sa tukso.
kaya…
sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;
sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.
tunay na kaibigan, hindi mo nakikita,
paano nga naman,nasa gitna ka ng nagbibigay sa iyo ng panandaliang ligaya;
tumatawag ka sa Diyos kapag nauuntog ka,
pero kapag wala na ang kalog,ang bilis ng iyong pagtalikod.
kaya…
sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;
sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.
hanggang kailan, hanggang saan?
paano kapag napagod na sila na totoong nagmamahal sa iyo?
paano kapag naubos na ang pang unawa na laan sa iyo?
paano kapag tiwala tuluyan nang nawala?
hanggang kailan, hanggang saan
ang pagkapit mo sa kawalan?
kaya…
sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo
sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.
sana huwag mong hintayin sabihin ng lahat…
PAALAM SA IYO!
love child
March 17, 2011napakasuerte ko , mahal ako ni God.
minsan sa buhay ko, umuulan ng bato, matalas, mabigat, sugat dulot nito. luha, iyak, hagulgol, hikbi at tangis walang paglagyan,pero bigla na lang may darating na kalakal, magandang lalagyan, nakabalot ng ispesyal at may laso at tarhetang nakalagay -”mula sa Ama na sa iyo nagmamahal”, at nang buksan ko, isa pa lang kaibigan.
napakasuerte ko, mahal ako ni God.
minsan sa buhay ko, wari ako’y nasa dagat, malakas ang alon, at hindi makalangoy. putol na kahoy, ‘di ko maabot, tanging hawakan, upang ‘di malunod. pero bigla na lang, may dumating na balsa, magara at mayabong, sa anumang unos kayang humulagpos. nang ako ay kumapit, sa kamay ko may humawak ng mahigpit, nang aking tingnan, ang Amang nasa Langit
napakasuerte ko, mahal ako ni God.
minsan sa pag - iisa, lungkot nadarama, hungkag na puso, alikabok sa isip,talukap ng matang simbigat ng bakal, sadyang ‘di makayanan imulat kailan pa man. pero bigla na lang, ang bulong ng hangin ay parang apoy ng pag mamahal, humahaplos, yumayakap, pinapalis lahat ng agam agam.
napakasuerte ko talaga, mahal ako ni God.
isang panalangin
March 12, 2011 hawakan mo Diyos ko ang aking kamay, unti - unting humuhulagpos sa tangan ng katapangan. wari bagang nakasakay sa ulap na hungkag,na tila lumalangoy sa putol na ilog, na hindi makita ang dulong tunguhan. ang sagwan ng buhay nilumot ng panibugho, ang sikat ng araw natakpan ng buwan, ang kweba ng pangarap tila bangin ang lalim, ang tambol ng saya,trumpeta ng pagdududa.
hawakan mo Diyos ang aking kamay, ipakita ang liwanag, ang bahaghari at tala upang ang landas aking matahak, maabot ang pag asa, mayakap ang ligaya. pagod na katawan, pagal na isipan, nagdurugong puso dantay Mo ang kailangan. Sa kaluluwang ligaw itarak Mo Diyos ko ang kabusilakan, upang matamo ang Iyung kaharian.
hawakan mo Diyos ko ang aking mga kamay, at nang sa ga yon hindi ko siya mabitawan.
latay sa puso
December 28, 2010umiiyak ka na naman, nasasaktan, ang puso nagdurugo. bakit lagi mong kailangan tanggapin, ang mga salitang pinag lubid - lubid ng kasinungaligan? bakit sadyang napakadali mong ibigay ang kapatawaran? bakit ang bilis mong nakalimutan ang pang - aabuso sa iyong kabaitan? sadya bang isa kang mangmang? ang katangahan ba ay kakambal ng iyong katauhan? bakit hindi mo tingnan, nandiyan pa ang LATAY SA PUSO na dinulot niya noon. wala na ba ang sakit, o sadyang nagmanhid, dahil sa lalim ng sugat,namatay pati ang ugat. kung hindi mo kayang mahalin ang iyong sarili, bigyan mo ng awa at pagpapahalaga ang pagkatao mo, huwag mo itong gawing trapo.
pagkakamali nga ba ang tanggapin siyang muli? kasalanan ba ang magpatawad ng walang hanggan? mali bang akayin sa tuwid na landas ang isang kaibigang nalugmok sa putik ng pagkakamali? maaring LATAY SA PUSO ang dinulot niyang sakit, pero papano mo tatanggihan ang isang kaibigan na alam mong ikaw ang kailangan? hindi ba’t higit na kasalanan, ang hayaan siyang malugmok sa kasamaan, at ang pangarap hindi niya makamtam.
buhay niya iyun, hindi mo buhay. sa kanya ang pangarap, hindi mo ito hawak. may sarili siyang pakpak, hayaan mong siyang lumipad. may sarili siyang paa, ihakbang niya sa tamang landas. LATAY SA PUSO, huwag nang dagdagan, dahil bukas baka pati puso, hindi mo na maaninag.
tama na, tigilan na,buksan ang mga mata, pang - aabuso, hindi mo ba makita? tama na, tigilan na, LATAY SA PUSO tapusin na!
hayaan natin Diyos ang maghusga, sa akin, sa kanya.
loosing the one
November 10, 2010i thought bidding goodbye was the best thing to do. i thought when i let go of your hands, i will be able to walk and get to where i want to be. i thought when i take that steps away from you, it would mean getting away from you. i thought when i let you out of my mind, my heart will not find you.
but i was wrong.
i lost you and i lost myself.you were not the one who was left alone. i was the one who is on solitary confinement.
i lost the one that listens to my stories, i lost the one who makes me laugh when i cry, i lost the one that annoys me when i’m happy, i lost the one who knew that inside me is a child.
you did not loose me, i lost you.
Search
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Oct | ||||||
| 1 | ||||||
| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |
| 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
| 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 |
| 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 |
| 30 | 31 | |||||
Monthly Archives
Sponsored Links
Heart's Tag Cloud
within my heart
heart talks finds the way for the words that are kept unsaid, hidden inside the heart of some people where courage of expression had been so aloof.
heart talks is the freedom where words that can't be uttered verbally are spoken through the power of literature, the mightiness of every letters in the key board put together, for the world to know ...these are the unspoken words.
conceptualized by the core of the hypothalamus, written through the gushed of the blood cells of the veins and spoken by the heart.
Most Popular
- samahan sa puerto galera (galera 101) (232)
- a new beginning (204)
- pusong napagsamantalahan (196)
- my heart in scribbled memories (175)
- hubad na puso (164)
- a change of heart (159)
- a boastful heart (155)
- goodbye to my foolish heart (150)
- latay sa puso (149)
- the less educated heart (143)
- power of the heart (142)
- a reconstructed heart (142)
- a place for one’s heart (139)
- an open heart (136)
- tell it to my heart (133)
- the "heart" of letting go (132)
- unassuming heart…unanswered heart (131)
- dancing heart (128)
- the heart’s law of attraction (128)
- loosing the one (124)
- a heart in gratitude (123)
- when the heart plays favorite (109)
- heart underworks (109)
- in the heart of a street child (99)
- mean heart (96)
- unspoken (88)
- isang panalangin (76)
- love child (59)
- sana (21)
memories
Blog Roll
Latest Comments
- Phnoy Tv Pinoy: keep inspiring people. keep it up. Watch Pinoy shows and movies: http://www.phnoy.com/...
- ronald: A CHANGE OF HEART...
- hurtlocker: tansan!...
- elsa: Dear Araw, Ang hirap mag judge kung sino ang less educated heart! pero for me kahit konti...
- petit: thanks. what can i say? im speechless.......
- liez: definitely!! but change only comes when u make a decision and act on it....
- anna: He completes you...definitely. this man made your whole self lifeless without him. and you are prone to be taken for...
- abby: there are really a lot of people who cant appreciate those simple things just ignore them and lets just live...
- noel: i think i heard of this before. hmmmm...
- abby: i really wanted to punch the face of that person who made u cry...- tweety...
Heart talks
- araw:
thanks nikon!
- Nikon:
Hello Araw. Nice blog! Napakalalim po ng mga thoughts nyo. Always remember that there are lots of people that are always here for you. God bless po!
- Phnoy TV Pinoy:
nice blog!.
watch pinoy shows and movies here:
http://www.phnoy.com/- araw:
dear elsa, hang on to the Almighty Father. Remember the Beatitudes? God will lift you up. God bless.
- elsa:
Ang hirap mag judge kung sino ang less educated heart! pero for me kahit konti lang ang pinag-aralan mo pero ginagamit mo ng maayos at dika nang aapak ng tao yun ang mas maganda diba? kasi ako palaging na eensecure sa mga taong naka paligid sa work ko kasi lahat sila professional ako hindi pero naawa ako sa kanila kasi di nila ginagamit ang pinag aralan nila kahit nakakasakit na sila sige todo pa din. sana lang maging sensitive sila sa mga taong katulad ko.
- araw:
my blue rose, “what matters most is that we love at all…” thank you very much for the comment.
- blue rose:
loving is a matter of choice - to love or not to love? to continue loving despite the heartaches or to leave and live in emptiness? living without loving is like the existence of a zombie, just walking around aimlessly, not knowing where to go. deciding to stay and love, that is direction. for you love not because it is appreciated, not because it is reciprocated, but because you have to committed to love. loving hurts but its when you are hurt that you will truly know that you love without condition. ang sakit!
- araw:
your comments will be highly appreciated
- araw:
hi chep, would you believe that there are super meag tear glands, they never get tired of working.
- chep:
aww ive been there of what u felt.. the least i did was i cried til i run out dry then ito ako ngayon i can say i am ok and i believe time heals all wounds too… crying doesnt make u less as a person remember that always… k? *winks*
- araw:
thank you. your comments are the stimuli to the ventricles of my heart.
- liez:
I wrote a haiku… inspired by your Dancing Heart. I’ll link you
- elmer collong:
lovely! very impressive and thought provoking too.
- blue rose:
aking araw, hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa ngayong natapos ko nang mabasa ang mga nakasulat dito. lubhang malalim at makahulugan ang mga katagang binitiwan na sadya namang naglalarawan kung ano ang isang puso. sa isang pusong nagmamahal, lahat kakayanin, lahat aakuin, maging masaya o maging malungkot man siya. sa iyo,nawa’y patuloy mong ilarawan ang saloobin ng puso. narito lang ako.
- araw:
thank you for taking time,
your comments will be my inspiration.




