Heart talks

sana

October 30, 2011

 

 

 

sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;

sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo

 

malayo na ang bituin na gusto mong abutin,

abot tanaw na lamang ang makakamit sa pangarap;

maaaring alam ko ang tunay na nasa puso mo,

pero paano ito magkakatotoo kung nakakapit ka sa tukso.

 

kaya…

 

sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;

sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.

 

tunay na kaibigan, hindi mo nakikita,

paano nga naman,nasa gitna ka ng nagbibigay sa iyo ng panandaliang ligaya;

tumatawag ka sa Diyos kapag nauuntog ka,

pero kapag wala na ang kalog,ang bilis ng iyong pagtalikod.

 

kaya…

 

sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo;

sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.

 

hanggang kailan, hanggang saan?

paano kapag napagod na sila na totoong nagmamahal sa iyo?

paano kapag naubos na ang pang unawa na laan sa iyo?

paano kapag tiwala tuluyan nang nawala?

hanggang kailan, hanggang saan 

ang pagkapit mo sa kawalan?

 

kaya…

 

sa aking pagluhod, dasal ko ang liwanag na makita mo

sa aking pagluhod, dasal ko ang tapang sa puso ay makamtam mo.

 

sana huwag mong hintayin sabihin ng lahat…

PAALAM SA IYO!

 

 

Posted by araw at 6:35 pm | permalink | Add comment

love child

March 17, 2011

napakasuerte ko , mahal ako ni God.

minsan sa buhay ko, umuulan ng bato, matalas, mabigat, sugat dulot nito. luha, iyak, hagulgol, hikbi at tangis walang paglagyan,pero bigla na lang may darating na kalakal, magandang lalagyan, nakabalot ng ispesyal at may laso at tarhetang nakalagay -”mula sa Ama na sa iyo nagmamahal”, at nang buksan ko, isa pa lang kaibigan.

napakasuerte ko, mahal ako ni God.

minsan sa buhay ko, wari ako’y nasa dagat, malakas ang alon, at hindi makalangoy. putol na kahoy, ‘di ko maabot, tanging hawakan, upang ‘di malunod. pero bigla na lang, may dumating na balsa, magara at mayabong, sa anumang unos kayang humulagpos. nang ako ay kumapit, sa kamay ko may humawak ng mahigpit, nang aking tingnan, ang Amang nasa Langit

 napakasuerte ko, mahal ako ni God.

minsan sa pag - iisa, lungkot nadarama, hungkag na puso, alikabok sa isip,talukap ng matang simbigat ng bakal, sadyang ‘di makayanan imulat kailan pa man. pero bigla na lang, ang bulong ng hangin ay parang apoy ng pag mamahal, humahaplos, yumayakap, pinapalis lahat ng agam agam.

napakasuerte ko talaga, mahal ako ni God.

Posted by araw at 5:30 pm | permalink | Add comment

isang panalangin

March 12, 2011

hawakan mo Diyos ko ang aking kamay, unti - unting humuhulagpos sa tangan ng katapangan. wari bagang nakasakay sa ulap na hungkag,na tila  lumalangoy sa putol na ilog, na hindi makita ang dulong tunguhan.  ang sagwan ng buhay nilumot ng panibugho, ang sikat ng araw natakpan ng buwan, ang kweba ng pangarap tila bangin ang lalim, ang tambol ng saya,trumpeta ng pagdududa.

hawakan mo Diyos ang aking kamay, ipakita ang liwanag, ang bahaghari at tala upang ang landas aking matahak, maabot ang pag asa, mayakap ang ligaya. pagod na katawan, pagal na isipan, nagdurugong puso dantay Mo ang kailangan.  Sa kaluluwang ligaw itarak Mo Diyos ko ang kabusilakan, upang matamo ang Iyung kaharian.

hawakan mo Diyos ko ang aking mga kamay, at nang sa ga yon hindi ko siya mabitawan.

Posted by araw at 9:52 pm | permalink | Add comment

latay sa puso

December 28, 2010

umiiyak ka na naman, nasasaktan, ang puso nagdurugo. bakit lagi mong kailangan tanggapin, ang mga salitang pinag lubid - lubid ng kasinungaligan? bakit sadyang napakadali mong ibigay ang kapatawaran? bakit ang bilis mong nakalimutan ang pang - aabuso sa iyong kabaitan? sadya bang isa kang mangmang? ang katangahan ba ay kakambal ng iyong katauhan? bakit hindi mo tingnan, nandiyan pa ang LATAY SA PUSO  na dinulot niya noon. wala na ba ang sakit, o sadyang nagmanhid, dahil sa lalim ng sugat,namatay pati ang ugat. kung hindi mo kayang mahalin ang iyong sarili, bigyan mo ng awa at pagpapahalaga ang pagkatao mo, huwag mo itong gawing trapo.

pagkakamali nga ba ang tanggapin siyang muli? kasalanan ba ang magpatawad ng walang hanggan? mali bang akayin sa tuwid na landas ang isang kaibigang nalugmok sa putik ng pagkakamali? maaring LATAY SA PUSO ang dinulot niyang sakit, pero papano mo tatanggihan ang isang kaibigan na alam mong ikaw ang kailangan? hindi ba’t higit na kasalanan, ang hayaan siyang malugmok sa kasamaan, at ang pangarap hindi niya makamtam.

buhay niya iyun, hindi mo buhay. sa kanya ang pangarap, hindi mo ito hawak. may sarili siyang pakpak, hayaan mong siyang lumipad. may sarili siyang paa, ihakbang niya sa tamang landas. LATAY SA PUSO, huwag nang dagdagan, dahil bukas baka pati puso, hindi mo na maaninag.

tama na, tigilan na,buksan ang mga mata, pang - aabuso, hindi mo ba makita? tama na, tigilan na, LATAY SA PUSO tapusin na!

hayaan natin Diyos ang maghusga, sa akin, sa kanya.

 

 

Posted by araw at 12:03 am | permalink | Add comment

loosing the one

November 10, 2010

i thought bidding  goodbye was the best thing to do. i thought when i let go of your hands, i will be able to walk and get to where i want to be. i thought when i take that steps away from you, it would mean getting away from you. i thought when i let you out of my mind, my heart will not find you.

but i was wrong.

i lost you and i lost myself.you were not the one who was left alone. i was the one who is on solitary confinement.

i lost the one that listens to my stories, i lost the one who makes me laugh when i cry, i lost the one that annoys me when i’m happy, i lost the one who knew that inside me is a child. 

you did not loose me, i lost you

 

Posted by araw at 10:10 pm | permalink | Add comment