Heart talks

hubad na puso

December 14, 2009

Di ko mawari papano sasabihin, nilalaman ng damdamin.

Damdaming payak, kinukubli, di maihayag.

 

Sa bawat galaw, naroon ang pag – ibig,

Sa bawat kilos, walang hanggang pag irog.

 

Sa mga titig mo, ako’y nalulusaw,

Sa mga ngiti mo, lumbay ko’y napupukaw.

 

Munting lapit mo, pintig ng puso ko’y nag uunahan,

Kagyat na haplos mo, alapaap wari’y narating ko.

 

Ngunit, papano ko sasabihin, puso ko’y umiibig sa iyo,

Nangangarap habang buhay makapiling mo.

 

Umaasa sa mga yakap mo,

Makulong ng mga bisig mo.

 

Kaya hayaan mo, dito man lamang,

Masabi ko, ako’y nagmamahal sa ‘yo.

Posted by araw at 10:12 pm | permalink | comments[2]