Heart talks

an open heart

December 20, 2009

Kaya ko nga siguro ang lahat ng problema, lahat ng pagsubok…maliban sa isa. Dito lagi akong nalulugmok, laging talunan…pagdating sa puso. Ah, kung matuturuan nga lang ang puso, para hindi na ito masasaktan. Lagi ang sinasabi ko sa IYO…”nahihirapan na ako”. Humihingi ng tulong. Bawasan ang sakit. Pero sino nga ba ang tunay na may gawa ng pasakit? Ng kirot sa puso ko? Hindi ba’t ako din? Dahil pinayagan kong mangyari. Pagod na akong umiyak. Pero sino nga ba ang may dahilan ng pagluha ko? Hindi ba’t ako din?

Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Nararapat bang kaisipan ang maghari? O maging alipin ng puso? Sadyang napakahina ko, napakaduwag. Saan ko dapat kuhanin ang lakas upang gawin kung ano ang dapat? Saan makikita ang kasagutan sa mga pag – aalinglangan? Kulang ang paningin ko para makita ang katotohanan. Kulang ang talino para malaman ang totoo. Kulang ang tapang upang gawin kung ano ang wasto. Tulungan MO ako…ayoko na muling magkamali. Hayaan MO na mapakinggan ko ang boses na magbubulong sa akin kung ano ang nararapat. Mas palakasin MO ang boses ng katotohanan.  

Kung luha ang kabayaran para matuto…kung sakit at hapdi ang guro para maging tama ang lahat…tatanggapin ko. Hirap na ako. Hirap na laging kapiling ay ang luha…ang hikbi…ang sakit. Talaga bang kailangang masaktan kapag nagmamahal?

Ako nga siguro ang may kasalanan kaya ako laging nasasaktan. Kaya dalangin ko…turuan MO ako. Ituro sa akin ang tama. 

Para bukas sana…sana… hindi na ako iiiyak.

Posted by araw at 9:13 pm | permalink

Previous Comments

i really wanted to punch the face of that person who made u cry…- tweety

Posted by abby at December 22, 2009, 5:52 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment