Heart talks

pusong napagsamantalahan

January 21, 2010

bakit hindi ko magawa na limutin ka?  bakit hindi ko magawa na iwanan ka? kahit na yaring puso ko, maga na sa kirot, suko na sa hapdi at pasakit na dinudulot ng mapaglaro mong puso.

bakit hindi ko magawang maging manhid sa iyong pagwawalang bahala? bakit hindi ko magawang malunod sa patuloy mong hindi patugon sa damdaming sa iyo aking inuukol?

paulit - ulit ko mang alalahanin, marami ko mang beses bilangin ang sakit at kirot na ibinigay mo sa akin, pilit ko pa ring nabibigyan ng kadahilanan at muling napagtatakpan at sa kalaunan napapalitan ito ng paniniwala na ganyan talaga ang pagmamahalan.

hangal nga siguro ako at hindi ko malisan ang mundo ko kung saan tanging ikaw ang kabuuan.

kaya isa lang ang aking kahilingan, itong puso ko, huwag mo sanang pagsamantalahan

Posted by araw at 2:46 am | permalink | comments[1]