samahan sa puerto galera (galera 101)
June 25, 2010 ika - 20 ng mayo, nagtipon ang grupo, gumayak patungong piyer ng batangas. andun kasi ang malaking bangkang sasakyan patungong puerto galera. alas sais ang usapan. aalis ang bus, iiwan ang hindi darating sa itinakdang oras. tulad ng nakagawian, merong nahuli ng dating, pero marami ang dumating bago ang takdang oras. excited lang ba? baka sadyang pinahahalagahan nila ang oras. eh, iyung nahuli? napilitang sumama? o nagpapaimportante? o baka naman sadyang ugali na ang laging huli. trip lang ba. pero teka, ano ang nangyari? kumpleto na ang lahat, pero ang bus di pa rin umiikot ang gulong. kaya pala, ang dumating na, nawala pa. ang gulo ‘di ba? tik tak. tik tak. ang tagal na tik tak.
Sa wakas, Batangas pier na. Lista ng pangalan, bilang ang coast guard. Ayan, gumalaw na ang bangka ng Father and Son.Ang ibang crew, ang nakaimprenta sa T - shirt ay “Kapamilya”, iyung sa iba “Team” naman ang naka imprenta. Binasag ang alon upang makarating sa paroroonan. Paglilitrato ang trip ng iba, meron namang iba na nakatulog sa para bagang paghehele ng alon sa dambuhalang bangka, ang iba naman, nakikipagtagisan ang tunog ng kanilang mga salita sa ingay ng makina ng bangka dahil walang katapusan ang kanilang kwentuhan, pero higit na kaagaw pansin ang iba na walang paki alam, tahimik, tila may iniisip, at may animo nagdarasal. Ewan ko, sila ang mukha ng iba’t - ibang pasahero.
White Beach Puerto Galera. Bumaba ang mga pasahero sa ginawang hagdan na pinukpok na plywood at kahoy (sadyang malikhain ang Pinoy) upang sa wakas ay madama ng kanilang mga balat ang init ng dalampasigan. Iba’t - ibang reaksyon, may excited, may masaya, may kuntento, may dedma, may nakikiramdam lang at syempre mayroong ang hinahanap ay ang kakulangan at kung ano ang wala, ang maghanap ng pangit at puna. Sila ba iyung mga tao na tinatawag na perpekto?
At nagsimula na ang kasayahan…may palaro, may pangdagdag kaalaman, may mga gawain na pambuo muli ng naglamat na samahan. At bawat isa ay may kanya - kanyang pagkatao na minsan ay hayagang lumalabas, ang iba ay sumusunod sa agos ng mga pangyayari, ang iba naman ay pilit pa ring kinukubli ang kanilang saloobin.Ibat - ibang personlidad, may tahimik, may masaya, may maingay, mayroong namumukod tangi at nangingibabaw sa lahat.
Lumobog ag araw, waring humahalik sa dagat, at nagbigay daan sa prinsipeng buwan at nagniningning na mga bituin. At muli panibagong karanasan ang gabi ng puerto galera. Mayroong naupo sa dalampasigan na tila hinihintay na mabasag ang alon, mayroon namang nasa mga tiangge o tindahan, nakikipagtawaran sa maaaring maging pasalubong pagbalik sa Maynila. Mayroong pumayag na gawing canvass ang kanilang mga balat ng mga tatoo artists. Mayroong nagsasabi kung saan dapat pumunta at anong oras dapat umuwi… sadyang maalalahanin kahit ilang dekada na ang idad ng mga kasama.
Sa pagsikat ng haring araw, tinuklas muli ang yaman ng Puerto Galera, ang ganda ng Pilipinas. Kay sarap makipagsabayan ng langoy sa mga makukulay na isda at tila nagsasayaw na halamang dagat. May mga bundok sa karagatan na nililok ng Panginoon upang magbigay ng panibagong kulay sa asul na dagat. May bundok na tila hinati sa gitna upang bigyan daan ang karagatan. Subalit ang munting Kapilya sa gitna ng karagatan sa isa sa isla ay animo naghihintay ng sa kanya ay magbibigay pansin at dadalaw. Saksi ang malungkot na kampana sa nangungulilang upuan at altar. At pagkalam ng sikmura, kaysarap pagsaluhan ang pananghalian na lulan ng bangkang idinaong sa dalampisagan at kasama ang iyong mga kaibigan. Sadya bang ang angkop na pagkain ay inihaw na manok sa ganitong pagkakataon?
Napakaraming ala ala ang bigay ng Puerto Galera, ang bawat isla ay isang panibagong talata ng buhay na nagdudulot ng panibagong pagtuklas at panibagong tanong sa sarili. Ang samahan ay nagdulot ng pagkakataon upang magkaroon ng dahilan ng pagkakalapit ng damdaming banyaga, ang pagkilala sa katauhan ng bawat isa, totoo man o hindi ay nagbigay daan upang malalim na kilatasin kung ang kamay ng pagkakaibigan na inaabot ay tuluyang iabot o ipagpaliban sa ibang pagkakataon. Gayunpaman, ang samahan sa Puerto Galera ay isang inukit na ginto sa bawat puso.
Search
Monthly Archives
Sponsored Links
Heart's Tag Cloud
within my heart
heart talks finds the way for the words that are kept unsaid, hidden inside the heart of some people where courage of expression had been so aloof.
heart talks is the freedom where words that can't be uttered verbally are spoken through the power of literature, the mightiness of every letters in the key board put together, for the world to know ...these are the unspoken words.
conceptualized by the core of the hypothalamus, written through the gushed of the blood cells of the veins and spoken by the heart.
Most Popular
- samahan sa puerto galera (galera 101) (358)
- latay sa puso (311)
- my heart in scribbled memories (230)
- a new beginning (228)
- loosing the one (225)
- pusong napagsamantalahan (211)
- hubad na puso (180)
- a boastful heart (178)
- a change of heart (176)
- tell it to my heart (169)
- goodbye to my foolish heart (166)
- the less educated heart (163)
- power of the heart (157)
- dancing heart (156)
- a reconstructed heart (156)
- an open heart (153)
- a place for one’s heart (153)
- unassuming heart…unanswered heart (151)
- the "heart" of letting go (151)
- the heart’s law of attraction (146)
- a heart in gratitude (141)
- isang panalangin (138)
- heart underworks (128)
- when the heart plays favorite (121)
- in the heart of a street child (116)
- mean heart (113)
- unspoken (103)
- love child (83)
- sana (42)
memories
Blog Roll
Latest Comments
- Phnoy Tv Pinoy: keep inspiring people. keep it up. Watch Pinoy shows and movies: http://www.phnoy.com/...
- ronald: A CHANGE OF HEART...
- hurtlocker: tansan!...
- elsa: Dear Araw, Ang hirap mag judge kung sino ang less educated heart! pero for me kahit konti...
- petit: thanks. what can i say? im speechless.......
- liez: definitely!! but change only comes when u make a decision and act on it....
- anna: He completes you...definitely. this man made your whole self lifeless without him. and you are prone to be taken for...
- abby: there are really a lot of people who cant appreciate those simple things just ignore them and lets just live...
- noel: i think i heard of this before. hmmmm...
- abby: i really wanted to punch the face of that person who made u cry...- tweety...
Heart talks
- araw:
thanks nikon!
- Nikon:
Hello Araw. Nice blog! Napakalalim po ng mga thoughts nyo. Always remember that there are lots of people that are always here for you. God bless po!
- Phnoy TV Pinoy:
nice blog!.
watch pinoy shows and movies here:
http://www.phnoy.com/- araw:
dear elsa, hang on to the Almighty Father. Remember the Beatitudes? God will lift you up. God bless.
- elsa:
Ang hirap mag judge kung sino ang less educated heart! pero for me kahit konti lang ang pinag-aralan mo pero ginagamit mo ng maayos at dika nang aapak ng tao yun ang mas maganda diba? kasi ako palaging na eensecure sa mga taong naka paligid sa work ko kasi lahat sila professional ako hindi pero naawa ako sa kanila kasi di nila ginagamit ang pinag aralan nila kahit nakakasakit na sila sige todo pa din. sana lang maging sensitive sila sa mga taong katulad ko.
- araw:
my blue rose, “what matters most is that we love at all…” thank you very much for the comment.
- blue rose:
loving is a matter of choice - to love or not to love? to continue loving despite the heartaches or to leave and live in emptiness? living without loving is like the existence of a zombie, just walking around aimlessly, not knowing where to go. deciding to stay and love, that is direction. for you love not because it is appreciated, not because it is reciprocated, but because you have to committed to love. loving hurts but its when you are hurt that you will truly know that you love without condition. ang sakit!
- araw:
your comments will be highly appreciated
- araw:
hi chep, would you believe that there are super meag tear glands, they never get tired of working.
- chep:
aww ive been there of what u felt.. the least i did was i cried til i run out dry then ito ako ngayon i can say i am ok and i believe time heals all wounds too… crying doesnt make u less as a person remember that always… k? *winks*
- araw:
thank you. your comments are the stimuli to the ventricles of my heart.
- liez:
I wrote a haiku… inspired by your Dancing Heart. I’ll link you
- elmer collong:
lovely! very impressive and thought provoking too.
- blue rose:
aking araw, hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa ngayong natapos ko nang mabasa ang mga nakasulat dito. lubhang malalim at makahulugan ang mga katagang binitiwan na sadya namang naglalarawan kung ano ang isang puso. sa isang pusong nagmamahal, lahat kakayanin, lahat aakuin, maging masaya o maging malungkot man siya. sa iyo,nawa’y patuloy mong ilarawan ang saloobin ng puso. narito lang ako.
- araw:
thank you for taking time,
your comments will be my inspiration.




