Heart talks

samahan sa puerto galera (galera 101)

June 25, 2010

 ika - 20 ng mayo, nagtipon ang grupo, gumayak patungong piyer ng batangas. andun kasi ang malaking bangkang sasakyan patungong puerto galera. alas sais ang usapan. aalis ang bus, iiwan ang hindi darating sa itinakdang oras. tulad ng nakagawian, merong nahuli ng dating, pero marami ang dumating bago ang takdang oras. excited lang ba? baka sadyang pinahahalagahan nila ang oras. eh, iyung nahuli? napilitang sumama? o nagpapaimportante? o baka naman sadyang ugali na ang laging huli. trip lang ba. pero teka, ano ang nangyari? kumpleto na ang lahat, pero ang bus di pa rin umiikot ang gulong. kaya pala, ang dumating na, nawala pa. ang gulo ‘di ba? tik tak. tik tak. ang tagal na tik tak. 

Sa wakas, Batangas pier na. Lista ng pangalan, bilang ang coast guard. Ayan, gumalaw na ang bangka ng Father and Son.Ang ibang crew, ang nakaimprenta sa T - shirt ay “Kapamilya”, iyung sa iba “Team” naman ang naka imprenta. Binasag ang alon upang makarating sa paroroonan. Paglilitrato ang trip ng iba, meron namang iba na nakatulog sa para bagang paghehele ng alon sa dambuhalang bangka, ang iba naman, nakikipagtagisan ang tunog ng kanilang mga salita sa ingay ng makina ng bangka  dahil walang katapusan ang kanilang kwentuhan, pero higit na kaagaw pansin ang  iba na  walang paki alam, tahimik, tila may iniisip, at may animo nagdarasal. Ewan ko, sila ang mukha ng iba’t - ibang pasahero.

White Beach Puerto Galera. Bumaba ang mga pasahero sa ginawang hagdan na pinukpok na plywood at kahoy (sadyang malikhain ang Pinoy) upang sa wakas ay madama ng kanilang mga balat ang init ng dalampasigan. Iba’t - ibang reaksyon, may excited, may masaya, may kuntento, may dedma, may nakikiramdam lang at syempre mayroong ang hinahanap ay ang kakulangan at kung ano ang wala, ang maghanap ng pangit at puna. Sila ba iyung mga tao na tinatawag na perpekto?

At nagsimula na ang kasayahan…may palaro, may pangdagdag kaalaman, may mga gawain na pambuo muli ng naglamat na samahan. At bawat isa ay may kanya - kanyang pagkatao na minsan ay hayagang lumalabas, ang iba ay sumusunod sa agos ng mga pangyayari, ang iba naman ay pilit pa ring kinukubli ang kanilang saloobin.Ibat - ibang personlidad, may tahimik, may masaya, may maingay, mayroong namumukod tangi at nangingibabaw sa lahat.

Lumobog ag araw, waring humahalik sa dagat, at nagbigay daan sa prinsipeng buwan at nagniningning na mga bituin. At muli panibagong karanasan ang gabi ng puerto galera. Mayroong naupo sa dalampasigan na tila hinihintay na mabasag ang alon, mayroon namang nasa mga tiangge o tindahan, nakikipagtawaran sa maaaring maging pasalubong pagbalik sa Maynila. Mayroong pumayag na gawing canvass ang kanilang mga balat ng mga tatoo artists. Mayroong nagsasabi kung saan dapat pumunta at anong oras dapat umuwi… sadyang maalalahanin kahit ilang dekada na ang idad ng mga kasama.

 Sa pagsikat ng haring araw, tinuklas muli ang yaman ng Puerto Galera, ang ganda ng Pilipinas. Kay sarap makipagsabayan ng langoy sa mga makukulay na isda at tila nagsasayaw na halamang dagat. May mga bundok sa karagatan na nililok ng Panginoon upang magbigay ng panibagong kulay sa asul na dagat. May bundok na tila hinati sa gitna upang bigyan daan ang karagatan. Subalit ang munting Kapilya sa gitna ng karagatan sa isa sa isla ay animo naghihintay ng sa kanya ay magbibigay pansin at dadalaw. Saksi ang malungkot na kampana sa nangungulilang upuan at altar. At pagkalam ng sikmura, kaysarap pagsaluhan ang pananghalian na lulan ng bangkang idinaong sa dalampisagan at kasama ang iyong mga kaibigan. Sadya bang ang angkop na pagkain ay inihaw na manok sa ganitong pagkakataon?

Napakaraming ala ala ang bigay ng Puerto Galera, ang bawat isla ay isang panibagong talata ng buhay na nagdudulot ng panibagong pagtuklas at panibagong tanong sa sarili. Ang samahan ay nagdulot ng pagkakataon upang magkaroon ng dahilan ng pagkakalapit ng damdaming banyaga, ang pagkilala sa katauhan ng bawat isa, totoo man o hindi ay nagbigay daan upang malalim na kilatasin kung ang kamay ng pagkakaibigan na inaabot ay tuluyang iabot o ipagpaliban sa ibang pagkakataon. Gayunpaman, ang samahan sa Puerto Galera ay isang inukit na ginto sa bawat puso. 

 

 

 

 

 

Posted by araw at 11:35 pm | permalink | Add comment

a new beginning

April 22, 2010

sa muling pagsulat, aarukin ng pusong nag iisip at ng kaisipang madamdamin ang mga katugunan ng kabalintunuan ng bawat kaganapan at kapaligiran.Ito ang simula ng bagong puso, ng bagong araw tungo sa bagong simula.

Posted by araw at 9:50 pm | permalink | Add comment

heart underworks

March 12, 2010

hybernation, metamorphosis, whatever it is…

I am underworks…

bye for now…see you soon…

Posted by araw at 7:34 am | permalink | Add comment

goodbye to my foolish heart

January 29, 2010

and now i say goodbye to my foolish heart,

my foolish heart who had been numbed from the pains you have caused; my foolish heart who had been blind while you were abusing my weakness and using my strength; my foolish heart who had been deaf from all your sarcasm; my foolish heart who did nothing but to apologize even to my uncommitted mistakes.

and now i say goodbye to my foolish heart,

for i will stand up and rise to live a new life, i shall never allow myself to stumble and fall again from your unworthiness, i shall grow and let you go, i shall reach the shore and embrace the rainbow, i shall wipe my tears away and bring back the glow into my eyes, i shall paste that smile into my face that will be the reflection of my self contentment and happiness.

and now i say goodbye to my foolish heart, and still say thank you for the moments we have shared, to pay gratitude for your time, to be indebted for allowing yourself to be a part of my life.

and now i say goodbye to my foolish heart,

my foolish heart who had become tired of giving that unconditional love…

 

Posted by araw at 11:58 pm | permalink | Add comment

my heart in scribbled memories

January 27, 2010

it was just an accident, a mere coincedence, i happen to see your blog that had created an impact. i can’t resist myself to search back and read each phrase you have inscripted, and  as i decipher every line, it’s as if i was the person behind. 

and so i’ve said to myself, i have to meet you in time, to share your thoughts, your standpoint and the emotions behind those words.

and rejoice, it came to be, its realization in harbor view, beneath the stars and the soft breeze of the wind, as the water rushes to the shore, i have discovered how you transfer life’s realities into literature. 

and as we uncover each other, in every moment that we have shared, the realization is in me that the woman in front of me, was no longer new to me. 

and i thank God for the opportunity of allowing me to know, the woman behind the conceptualization of the scribbled memories.

Posted by araw at 1:35 am | permalink | comments[2]